Where's The Trust?
Friday, October 06, 2006
Lumalalim na ang sama ng loob ko... Given nang marami ang ikinasasama ng loob ko... Pero this time... Grabe...May project na nangangailangan ng Java developer. Ang siste, kailangan may alam rin sa Oracle PL/SQL. Bonus pa kung marunong mag-XML. At dahil ako ang may huling project na Java-related, ako ang napisil na humawak. Tinanggihan ko. Kasi, ayako nang kumuha ng project na ganyan. Masama na ang loob ko sa Java at sa kumpanyang ito. Kung bakit masama ang loob ko sa pagsasamahang Java at kumpanyang ito ay ililiban na lamang sa ibang kwento.
Pero yun, hiningan ako ng input, kung sino bang maaaring gumawa ng Java projects. May binigay akong dalawang pangalan na kasama ko sa team na pwedeng gumawa noon. Kumusta naman? Hindi raw pwede ang dalawa dahil magsisimula pa lang sa Oracle training nila nitong Oktubre. Pinamukha ko sa kanila na ako nga mismo eh humihingi sa kanila ng Oracle training, tapos next year pa mabibigay sakin. So anong pinagkaiba namin? Ano bang kailangan talaga sa project na yan?
Noong una'y ayaw ibigay sa kabilang team, kasi nga naman, wala silang alam sa EDI. So, kung matapos nga naman raw ang project, mahihirapan ang pag-support kung yung kabilang team ang gagawa. Pero kani-kanina lang, nabalitaan kong sa kabilang team na nga ibibigay ang project. Anak ng tinola. Kesyo kailangan raw ng bihasa sa Java para sa project na yun. Eh paano naman magkakaroon ng bihasa sa Java ang team namin kung walang mga Java projects in the first place? Kakaunti na nga lang, madalang pa sa pagsama ng manager namin sa mga teambuilding namin, tapos hindi pa ikakatiwala sa amin. Para saan pa ang pagpapadala sa mga tao namin sa Java training kung hindi rin lang naman pala kami gagawa ng mga Java projects. Ano ba namang sistema yan...
Hindi ko alam kung sinong may huling salita sa mga pamamalakad dito. O kung sinong pumili sa taong gagawa ng naturang project. Sana talaga, tama ang naging desisyon niyo... Tutal naman sinayang niyo na ang laway ko sa pagsabi kung sinong mga napili kong gagawa ng project na yan...
At sana, hindi niyo sinasayang yung mga tinuturo sa mga tao niyo tuwing ipapadala niyo sila sa training.
~
Post a Comment
3:28 PM :: Baba (ponggoloids)
Where's the trust
It's not enough
It makes the world go 'round and 'round and...
Where's the trust
Give it up
It makes the world go 'round and 'round and 'round
Can you tell me what you see whenever you look around?
We're tripping all over ourselves and pulling each other down
We're separating, consciousness is fading
Are you thinking that it's me you're fooling?
Where's the right in, all of our fighting?
Look at, look at, look at what we're doing
Post a Comment
<< Home
3:28 PM :: Baba (ponggoloids)



