<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Balagtasan

Monday, October 16, 2006
Heto na naman po tayo, mga katoto... Malugod namin kayong inaanyayahang tunghayan ang balagtasan nina Jode The Confucius at PilosoPong...


Ready... Set... Go...


Paksa: Tama Na - 10:21 PM

=========================================

Pong: (Nang makitang online si Jode sa YM) Pambihira! Tama na ang work!

Jode: (Matapos ang halos isang oras) Pst!

Pong: Bagal sumagot. Tsktsk!

Jode: Anong mabagal? May sinabi ka ba? Wala akong na-receive. :-(

Pong: Sabi ko "Pambihira! Tama na work!"

Jode: Ah... Haha! Na-DC ako kanina eh...

Pong: Hehe... Kadating ko lang sa office. Magbabawas ng work.

Jode: Ngak! Asa office ka... Ano buzz... Kala ko ba tama na work?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Winner: Jode, gabuhok lang ang lamang...




Paksa: Mukha - 11:58 PM

=========================================

Pong: Ayun, nag-grocery ako kanina. Hehe. Kaya heto, lagay muna stocks...

Jode: Ay, haha... Nagpunta rin akong mall kanina, then na-trip-an ko kumain sa Rai Rai Ken... Solo flight. Haha! Ang saya! Yung katapat kong table, kamukha ni Champ! Heaven!!!!!! :-D

Pong: Ayus, mukha palang table si Champ. Tsktsk.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Winner: Pong! (Did you honestly think mananalo si TarTar?! Paalala lang, blog ko to...)




Paksa: Saya - 12:58:00 AM

=========================================

Pong: Alam kong magiging masaya siya...

Jode: Kung san siya masaya no?

Pong: Kung san siya masaya, dun dapat tayo...

Jode: Naisip mo ba na minsan ang mga taong nakakasakit sa atin ay ang mga tao ring lubos na nakakapagpasaya sa atin?

Pong: Oo naman... Kaya hanap ka ng ibang taong mananakit sayo...

Jode: Haha! Kulits...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Winner: Pong! (Of course, sa dami ko ba namang nagoyo eh, tingin niyo ba matatalo ako ng batang laging nagogoyo?)




Paksa: Ngiti - 12:58:50 AM

=========================================

Jode: Natawa ako dun... Hahahaha!

Pong: Hehe...

Jode: Hahaha! Babay... What an end. :-P 1 AM na. Hahaha!

Pong: Sabi sa'yo eh, pag ako ang friend mo, natutulog ka na, nakangiti ka pa... :-P

Jode: Ay, naunahan ako... Sasabihin ko dapat yan eh... Na pag ikaw friend ko, matutulog na ako, nakangiti pa... Hay... 8->

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Winner: Pong! (It's unanimous! It's consentaneous! It's judicious! I'm beauteous!)
~

    hoi abnormal! batang laging ginogoyo pala ah. eh kung sinasapak kaya kita habang nakabitin ka ng patiwarik at unti unting kinakain ng mga antik! grrrrrrrrr

    Mga hinuha ni Anonymous Anonymous noong 10/16/2006 11:35 PM  





    nagogoyo... ibig sabihin hindi sinasadya, pero just the same, nagoyo pa rin...

    yung ginogoyo, sadya yun... pero di pa sure kung nagoyo nga...

    so ano, pili ka, nagogoyo ka, o ginogoyo ka? :-P

    Mga hinuha ni Blogger Baba (ponggoloids) noong 10/17/2006 4:54 AM  





    hmp! whatever!

    Mga hinuha ni Anonymous Anonymous noong 10/17/2006 6:31 PM  





Post a Comment
<< Home

6:44 AM :: Baba (ponggoloids)