Lagarista
Saturday, August 12, 2006
Nagpunta kaming Bohol... Bale dalawang batch yan, sa unang batch, ako, Rage, Ann, Jode, Memen, Marga... Sa 2nd batch, Calai, Arvi, Wee, Donnie, Boinks... Ang saya... Seryoso... Details? Teka, masyadong marami eh... From personal jokes to everything else... Hmm... Sige, try ko sum up next time...Ganito yan, yung batch 1 August 8-11 sila dun, yung batch 2 August 9-12 sila dun... At dahil sa batch 1 ako kasama, ibig lang sabihin niyan na August 11 ang balik ko sa Manila...
Nabanggit ni MM na may teambuilding raw ang EDIDEV... August 11, after office... At dahil kasapi ako ng team na yan, game ako dyan... Tutal, ang after office naman ay 6pm onwards... Kaya ko pang makaligo pagbalik mula airport...
Matagal na rin namang nagsabi si Nenskie na uuwi siya dito from Taiwan para magbakasyon for 2 weeks... Bale mamamalagi siya sa Bacolod, tapos nasa Manila siya ng August 11... Kaya niyaya niya ang mga review center friends niyang lumabas on the same day... Review center friends ay ako, Ebs, Zarah, Sha, Ace, JM... Sinabi ko naman nang hahabol ako sa anumang lakad dahil bandang alas-singko pa ng hapon ako dadating sa bahay... Napagpasyahan na pala nilang manood ng Ant Bully sa IMax sa MOA... 8pm daw... Pero hindi ko naman ganun kagusto yung palabas, kaya't sinabi kong hahabol na lamang ako sa lakad after ng movie... Ok na rin yun, para makasama pa akong teambuilding...
Nagtext si Joriboy... Nagyayaya ng session, 8pm raw, somewhere sa Makati... Ang usual group - ako, siya, Rage, Jode... Nagreply ako sa kanilang tatlo, nagreport up na may teambuilding ang EDIDEV at may katatagpuin akong mga kaibigan dakong alas-onse ng gabi sa MOA... Nagreply si Jori, "8pm pa naman eh, habol ka na lang, game si Rage at Jode"... Nagreply rin si Rage, "Malungkot daw si Jori sabi ni Jode"... At nagreply na ako sa kanilang dalawa, "Sige, 8pm... Taralets tara tara taralets... Di ka na mabibigowooo..."
Hindi na raw tuloy ang teambuilding ng EDIDEV... Marami raw kasing di makakapunta... Nagtext ako kay Ebs, "Dinner na lang tayo, may lakad kasi ako ng 8pm mamaya, borderline suicidal yung isang friend ko, kailangan ng mga kaibigan niya..." Dumating ako ng MOA around 6:45pm... Marahang naglakad hanggang makarating sa likod ni Nenskie, sabay takip sa kanyang mga mata... Nagulat ang loka...
Nenskie: Stephen! Andito ka! Akala ko di ka makakapunta... (sabay hug)
Stephen: Pwede ba yun... Minsan lang naman umuwi dito si Nenskie, mag-aabsent pa ko?
Nenskie: Touched naman ako... Teka, isa pa nga... (isa pang hug) Bango mo talaga...
Stephen: Pawisan na naman ako... Tsktsk... :-P
Nagdinner sa Congo Grille, treat ko dahil turn ko na raw manlibre... Nauna na raw kasi nanlibre ng lunch si Sha, Ice Skating si Ace, at IMax tickets si Ebs... At dahil di naman ako makakasama sa iba pang lakad nung gabing yun, sige na nga, minsan lang naman...
Dadaanan na lang raw ako ni Rage at Jode sa MOA... At nang papunta na kami sa Makati Rep, natanong ko silang dalawa:
Pong: Bakit malungkot si Jori?
Rage: Ewan ko dyan kay Jode...
Jode: Di raw kasi siya nakasamang Bohol...
Pong: Puteks... Akala ko pa naman kung anong nangyari...
Nagulat na nga rin lang si Rage na sasama ako sa session dahil nabanggit ko ngang may pupuntahan akong lakad ng 11pm... Pero dahil malungkot ang isang kaibigan, naku, gagawa tayo ng oras para dyan...
Session sa Makati Rep at post session sa Starbucks People Support... Ibang klase rin talaga ang grupong to... Joriboy kasi, umatras pa... Namiss tuloy ng ibang batchmates ang mga pagpapatawa mo...
Jori: Ah si ano! Yung tatay ni Richard Gutierrez...
Pong: Eddie...
Jori: Hindi... May isa pa...
Jode: May isa pa?!
Jori: Oo! Yung isa pa...
Jode: Sino?
Pong: Tonton?
Jori: Yun!
Jode: Eh kapatid niya yun eh...
Jori: Kapatid niya yun?!
Jode: Oo kaya...
Jori: Basta yun...
Well, kami, namiss namin ang kwelang si Jori at ang kanyang mga pagpapatawa... Pero meron pa atang nakamiss sa'yo boy... Baka may namiss siya bukod sa mga nabanggit na katangiang yan... Nagtangka pa ngang hindi pumunta ang loka na yun... Bato-bato sa langit... Ang unang magreact... Hmm... :-P
Hmm... Bakit kaya walang imik si Rage dun sa huling talastasan na yan... Baka may iniisip... Ano kaya? Pili tayo... Eenie, Meenie, Minie, Mo... :-)
At dyan nagwawakas ang pagiging lagarista ni Pong... Hanggang sa uulitin...
~
Post a Comment
2:05 AM :: Baba (ponggoloids)
wala akong nahirit kasi naalala ko na naman yang gutierrez na yan. naasar lang ako pag sinasabing kamukha ko daw si raymond gutierrez na nestle twin ni richard... :p kainis nakaka-insulto :D
at sige nga nga, nag Eenie, Meenie, Minie, Mo nga rin ako nun ;)
naks... fafa raymond... hehe... lapit rin ng pangalan... iba ka.... :-P
Mga hinuha ni Baba (ponggoloids) noong 8/15/2006 11:30 AMnakow... si raymond? eh bading un eh :P bwahahhahaha
Mga hinuha ni noong 8/15/2006 1:05 PMKung ano man nila si Tonton, siya pala yung nasa Etheria sa Channel 7...
Mga hinuha ni noong 8/15/2006 1:57 PM
Post a Comment
<< Home
2:05 AM :: Baba (ponggoloids)




