<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Pagpapalaya At Pagpaparaya

Thursday, July 20, 2006
Hay... Pusta ko maraming magre-react sa post na to... Kasi naman...


Sa totoo lang... Alam ko namang malabo ako eh... I mean... Di ko alam ang gusto ko... Or, marami akong gusto... Hindi naman sa nagsasawa ako... May mga nangyayari lang na nag-uuntog sa'kin at hinahayaan akong mawala sa tamang pag-iisip nang ilang saglit...


May theory pa nga ako eh... Magkakagusto ka lang naman sa isang tao pag masyado kang naglaan ng oras at panahon sa pag-iisip tungkol sa kanya... Sa pagtatangi sa mga good points niya... Sa pilit na pagtatakip sa mga bad points niya... Sa pagkukumbinsi sa sarili mo na the positives far outweigh the negatives...


Pero pag nauntog na ko... Bakit ganun, parang umuulan ng negatives... Bakit hindi ko kayang kalimutan ang mga nega na yun at mag-concentrate muli sa mga posi... At dahil nga ganyan na ang kinahinatnan... Nawawala na ang pagkagusto... Parang bula...


Kung minsan naman, may nakikilalang bago... Nalilipat tuloy sa iba ang pagtatangi... Bakit ba kasi lumilingon lingon pa... Bakit hindi kayang manatili na lang sa isang lugar... Pambihirang pagong to, parang kiti-kiti... Bakit ba hindi ako mapakali? Men are born polygamous... Pero they can choose not to be one... So bakit hindi ko mapili yun?


Sabi ko nga, iba-iba ang experience ko sa bawat taong nakikilala ko... Sa totoo lang, lahat naman ng mga kaibigan mo harmless eh... Pero pag pumasok na ang pagkagusto, sa isang iglap, nagiging harmful na siya... Ngayon, nasa'yo na yun kung papatulan mo ang pagiging harmful niya... Pero two-way yan, meaning, harmful ka rin sa kanya... At harmful kayo sa ibang mga tao...


Bakit ang hirap maintindihan... Nung simula naman alam mong magiging complicated, pero sumuong ka pa rin... At nang paglao'y gusto mo nang maging simple ang lahat... Agaran... Ang hirap... Hindi naman kayang magbago ng lahat sa isang kisapmata... Bakit hindi mo ininda noon ang posibleng sakit na daranasin mo oras na patulan mo ang sitwasyong malabo... O dahil bulag ka na at wala na nga sa tamang pag-iisip... At ngayon nga'y heto ka, nasasaktan...


At sa kagustuhan kong huwag makasakit, tila lalo ko pang nilalaliman ang sugat... No matter how benevolent your intentions may seem, you know that you'll end up being malevolent... Ang hirap eh... Alam mo nang makakasakit ka, kahit anong gawin mo... Ang pagpipilian na lang eh kung ano nga ba ang tamang gawin... Saan ka nga ba masaya... At kapag natauhan ka na'y masasagot mo na kung sinong higit na masasaktan...


At sa huli, kahit anong gawin mo, laging may masasaktan... Ang kailangan mo na lang mapagtanto ay kung kailan mo sila masasaktan... Ngayon... Bukas... Sa susunod na buwan... Habang tumatagal ka sa pag-iisip, hanggang di ka makapag-decide, lalo mo lang niloloko ang mga taong involved... Prolonging the agony... Alam mo namang may mawawala sa'yo, so bakit natatakot ka pang mawawala nga yun? Nariyan na eh, kailangan mo lang tanggapin... And the sooner you accept na ganun, the sooner you can release the other person from the shackles of emotional burden that you yourself inadvertently imposed on her...


So ano na... Alam mo naman ang lahat ng ito eh... Lahat may what if... Lahat may risk... Bakit hindi mo kayang harapin... Gaya ng sabi nila, ang tanging malinaw sa'yo ay ang kalabuan mo...


Don't commit when you are not ready... Hindi ka pa talaga ready pare... At buti na lang di ka pa nag-co-commit uli...


Don't keep others waiting needlessly... Hindi naman sinasabing pinaghintay mo sila literally... Pero hanggang hindi malinaw kung anong plano mo, may mga patuloy na aasa... At patuloy ka lang makakasakit... At babalik na naman tayo sa TIME...


Iba-iba ang experience sa bawat makikilala... Bakit hindi pwedeng maging bahagi ng buhay ang lahat?


Hindi ko alam... Pero gaya nga ng paulit ulit mo nang narinig... Unfair ka...
~

    buti na lang nasabi na ng iba yun! hehe.

    anuba pong, tara na't mag-usap. mahaba-haba ata yan. :D

    Mga hinuha ni Blogger Unknown noong 7/20/2006 9:46 AM  





    hehe... weird... wala namang nabanggit na love dito sa post na to... bakit naging issue yun? hmmm... loka ka kasi zar eh... :-P

    Mga hinuha ni Blogger Baba (ponggoloids) noong 7/26/2006 3:14 AM  





Post a Comment
<< Home

8:47 AM :: Baba (ponggoloids)