Kaperahan At Pagkakaibigan
Sunday, July 02, 2006
Minsa'y nakalaro ko ng poker ang ilan sa mga matatalik na kaibigan... Nagkataon kasing may poker chips ang isa sa kanila kaya't ang nangyari, tig-20 pesos ang bawat isa per round. Nang magkasawaan, nag-marathon ng Prison Break hanggang sa makatulog... Kinaumagaha'y nag-poker muli... at nang mag-sawa'y humirit ng last game... Tig-100 pesos na... At humirit ang may ari ng poker chips... "Huwag ganun... Ang pagkakaibigan, nakakasira ng pera yan..." Ngunit binawi rin naman niya... "Ay mali... Ang pera, nakakasira ng pagkakaibigan yan..."Bakit ganun, kapag hindi kayo ganun ka-close... Kapag sakto lang... Kunwari teammates... At may team building... Ang daling maningil ng contribution ng bawat isa... Yun nga lang, pwedeng taguan ka o kaya'y magmatigas ang sinisingil na hindi magbayad... Pero kapag naging malapit ang naniningil sa sinisingil o ang sinisingil sa naniningil, nagbabago ang lahat... Kapag gusto nang magbayad ng sinisingil, ayaw nang tanggapin ng naniningil... Nakakasira nga ba ang pera sa pagkakaibigan? O ang pagkakaibigan ang sumira sa kaperahan...
Sa mga gimik... Ang saya kapag nanlibre ang isa... Game magpalibre ang lahat... Sugod mga kapatid, 'ika nga... Hindi nagbibilangan... Hangga't alam na libre, sige lang... Sandal ka lang... At huwag mong pipigilan... Pero kapag dalawa lang kayo, bakit nag-uunahan pa sa pagbayad? Nag-aagawan sa bill... At hindi kayo papayag na mapunta sa isa ang bill... Either hati kayo, o ikaw ang magbayad ng buo... Patigasan... Hanggang sa magkapikunan... Kung di man, patuloy nang nakaabang sa mga susunod pang gagawin... Unahan maglabas ng pera... Di papaawat... Nakasira nga ba ang pagkakaibigan sa kaperahan? At ngayon nga'y nasira na ng pera ang pagkakaibigan...


