Centennial Post
Thursday, May 11, 2006
Hear ye... Hear ye...This marks my 100th post in this endeavor which I so fondly call "blogging". At dahil ito ay isang entrada espesyal, ang mga sumusunod ay pagbubulgar tungkol sa tunay na pagkatao ni Pong...
Anong unang naaalala ko pag nababanggit ang 100? High school graduation... Walang kwentang batch kasi... Batch '99... 1 year after ng sentenaryo ng kalayaan ng Pilipinas... 1 year before ng "Millennium" chuva... Although debatable na millennium nga ang 2000, ah ewan... Ang mahalaga, na-sandwich ang 1999 sa 1998 at 2000... Kung sana'y di na lang pinilit ng aking ina na mag-aral ako ng mas maaga... Eh di sana kasama ako sa "Millennium" Graduates... Pero ayos lang... Hindi rin naman ako makakarating sa kung nasaan man ako ngayon kung hindi ako naka-graduate noong 1999... Oh well... Ganyan ka-bilib ang aking ina sa aking kakayahan... Mothers know best talaga... Love you ma... ~mwah~
Natanong ako noon, alala ko pa... Sila Deth at MM pa ang kasama ko noon sa lunch table... Di ko na maalala kung sino pang ibang nandun... Tagal na nun, bago pa lang ako sa opisina... Siguro 4 months pa lang... Natanong nila... Bakit ako nagpapahaba ng balbas... Simple lang naman ang sagot dyan... Para maranasan ng girlfriend ko kung anong feeling na halikan, mahalikan, at makipaghalikan sa isang lalaking may bigote't balbas... At least di na siya ma-c-curious pa... At least alam na niya ang feeling at difference ng kiss sa may bigote't balbas kaysa wala... Naalala ko pa nga... Kung minsan nasasabihan na akong mag-ahit, kundi wala akong kiss... Ang sagot ko? Eh di wala! Bahala kang manuyot yang mga labi mo... Akala niya siguro di ko siya matitiis... Oh well... Syempre, di niya ko matitiis... Sa huli, may bigote o wala, may kiss pa rin... Ganun yata talaga ang ikot ng mundo...
Natanong din ako, kung bakit hindi ako nagpapahaba ng buhok... Kalimutan na natin ang tungkol dyan... Forever na akong magpapakalbo... Mas gusto ko pang may bigote't balbas kaysa buhok sa tuktok... At dahil nasa usapang buhok na tayo, naisip niyo ba kung masaya nga ba kapag ang buhok niyo sa tuktok ay katulad ng pubic hair? Wala lang... Naisip ko lang... Grabe, kayanin kaya ng shampoo at conditioner na matuwid ang mga pagkakamaling iyon? Parang pinasalon.... Cheers Manay Ricky!
Sa totoo lang... Feeling ako eh... May time dati, feeling ko kaya kong pumasa sa kahit anong exam... High kasi ako nun... High school... Exam... Sa UP... Sa Ateneo... Sa La Salle... Naisip ko lang, nakuha ko lahat ng 1st choice ko sa mga paaralang yun... IE sa UP... ECE sa Ateneo at La Salle... High na high... Yun ang culmination ng aking high school life... Pero, bakit ba ako napadpad ng Ateneo... Noong mga panahong iyon, may napatay sa UP... Kagagawan ng frat... Natakot ang aking mga magulang at pinayuhan akong huwag na lang mag-aral sa UP... Hay... Kung bakit hindi ako nag-La Salle, among other reasons, kasi nasa Taft siya... Buong high school ko sa Taft na ako... Pati ba naman college? Syempre, kung dun ako, ang baon ko lang niyan eh pamasahe papasok at pauwi... Isang jeep papasok, isa pauwi... Baka pauwiin pa nga ako para mag-lunch... Ayako nga ng ganun... Paano naman ako makakapag-ipon, di ba? Pero yun, yung offer kasi sa Ateneo (naks... "offer" daw... parang work... ahem... ahem... hint... hint... ssssh...) eh katulad ng sa La Salle... Libreng paaral... Yun nga lang, may allowance yung sa Ateneo... 9k per semester (para sa mga magtatanong, non-taxable yan, di gaya sa alam kong kumpanya dito sa tabi-tabi... allowance nga, taxable naman... asus!) ang bayad nila sa akin para mag-aral sa pamantasang iyon... See... Feeling ko talaga...
Hay... Feel ko enough na yan... Too many revelations... Huwag niyo na lang ipagkalat ha... Secret lang natin... Hirap na...
Malayo-layo na rin ang narating ng blog na ito... Samu't saring pakulo...
Salamat sa mga tumatangkilik ng aking mga kalokohan...


