Events - Near Deaf Experience ~v 03.18.06~
Sunday, March 19, 2006
Ang Alabang Town Center, henceforth known as ATC, na yata ang pinakamainit na mall na napuntahan ko... Mantakin niyong sa bawat lingon ko, ang mga babae'y naka mini o di kaya'y shorts... Mga pang-itaas na tila kinapos sa tela ang mananahi kung kaya't hinayaan na lamang na ang dibdib, tiyan at ibabang bahagi ng likod ang natatakpan... Nagsawa ang aking mga mata sa samu't saring balat na nakahain sa aking paningin... Mukhang si Jode nga lang ang giniginaw sa mall na yun... Ang bukod tanging naka-pantalon at t-shirt...Kung alam ko lang na ganun sa mall na yun, hindi na sana ako nagpunta... Masyadong advanced ang mga ineng... Di kakayanin ng mura kong moralidad... O ng aking nagmumurang moralidad...
Bago pa man madala sa kung saan ang diskusyong ito... Aking ibabahagi ang aming pakay sa ATC... Ang San Mig Pub...
Samu't saring haka-haka ang nabuo ukol sa nasabing liwaliwan... Na baka puro San Miguel Beer lang ang binebentang inumin... Ang Amang si Pale Pilsen at ang mga kamag-anak nitong sina Light, Strong Ice, Super Dry, Cerveza Negra... Na baka puro produktong San Miguel ang ihahain... Mga pagkaing napapaloob sa tatak na Purefoods... At gaya ng inaasahan, puro beer nga nila ang binebenta... At dun lang din namin nalaman na ang Red Horse pala ay ang butihing alaga nila... Ayos... Nagpatama na si Rage...
Nais ko lang linawin na kami ay pumunta sa naturang lungga hindi upang magpakalasing kundi upang panoorin ang Urbandub, UpDharmaDown, at ang Paramita... Nagkataong nandun rin ang Bitter Pill (isang bandang kinabibilangan ng ilan sa mga kasapi ng Sandwich... yung drummer nga lang ata ang hindi kasama sa Sandwich...)
Tumugtog ang Bitter Pill... Natuto si Jode ng bagong dance step...
Tumugtog ang Paramita... Muli na namang nahumaling kay Ria si Rage...
Tumugtog ang UpDharmDown... Nakipagsabayan kay Armi si Jori...
Tumugtog ang Urbandub... Nayanig ang San Mig Pub...
Pasado alas dos na nang matapos ang kantahan, nagpasyang magpahupa sa Starbucks sa SLEX...
At muli, nagpakalunod sa kape at kwentuhan ang mga haliparot... hanggang sa muling pagsikat ng araw...


