<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Thought Snacks - Paandarin Mo!!!

Wednesday, February 15, 2006
Gal: Di mo naman ako matitiis eh...


Guy: Yun na nga ang nakakainis eh... Di kita matiis...


Hindi mo pa ba nararanasan yung ganun... Na sa anumang pilipit ng bituka niya'y handa mo pa ring ibigay ang makapagpapabusog dito... Na sa kalabuan ng kanyang pag-iisip ay handa ka ring magpaka-nuknukan ng tunge... At kahit kapapahinga mo pa lamang matapos na ika'y gulpihin, kung katumbas naman nito'y makita ang bawat butil ng luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata, hala, sige, magpapabugbog kang muli... Isang payasong nariyan lamang upang siya'y mapangiti... Pagkat yun lang naman ang sa iyo'y mahalaga... Makita siyang masaya... Lahat nga'y iyong susuungin, makita lamang siyang maligaya...


==============================================================================================================


Gal: Bakit hindi mo sinabi? Bakit kailangang sa ibang tao ko pa malaman?


Guy: Kapag sinabi ko bang "mahal kita", sasabihin mo ring "I love you too"?


Gal: Oo... Siguro... Di ko alam... Ewan ko... Naguguluhan ako...


Kung minsan, sa kakapritsong mga salita, di natin makuhang makasagot nang akma... Kahit pigain tayo, mahirap makapagbigay ng kaukulang sagot kapag wala sa tamang takbo ang ating pag-iisip... Natatakot rin lang siyang masaktan... Kung di man niya masabi ang nais mong marinig, yun ay pagkat di pa niya kayang umamin sa mga panahong iyon... Yun ay pagkat di ka pa rin handang marinig ang kanyang ibubulalas... Yun ay pagkat di mo rin matanto kung anong ibabato pabalik... Yun ay pagkat di pa napapanahon ang lahat...
~

    kailangan ba talga na kapag sinabi mong "mahal kita" sagutin ka rin dapat ng "i love you too"

    hindi ba talaga puwedeng hintayin mo na kusa niyang sabihin yun? at least pagdating ng time na yun sigurado na siya...

    dumating naman kaya ung panahon na yun? nasa iyo yan kung pano mo siya makukumbinsi na sabihin yun.. ikaw ang magbibigay sa kanya ng dahilan para sabihin ang mga katagang iyong pinakahihintay.

    Mga hinuha ni Anonymous Anonymous noong 2/19/2006 10:12 PM  





    di ko noon nakayang ipadama sa'yo ang nararamdaman ng pusong ito...

    bawat tanong mo'y iniwasan ko... akala ang pag-ibig mo'y di totoo...

    hanggang ang puso mo'y napagod sa paghihintay... kay tagal...

    Mga hinuha ni Blogger Baba (ponggoloids) noong 2/20/2006 11:02 AM  





    i don't wanna wait in vain for your love
    'cause summer is here
    ...
    winter is here
    ...
    tears in my eyes burn
    while i'm waiting for my turn

    your love is my relief...

    Mga hinuha ni Anonymous Anonymous noong 2/22/2006 8:34 AM  





Post a Comment
<< Home

11:52 PM :: Baba (ponggoloids)