<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Gallery - Malamig... Sa Loob at Labas...

Sunday, February 26, 2006
Bagama't tapos na ang saglit nating pakikisawsaw sa malamig na simoy ng hangin, mausok na buga ng tambutso ng mga FX, makukulay na bulaklak na ipinarada (kasama na ang bulaklak na kung tawagin ay Juday), ang botanical garden na puro puno ang laman, isang bahay na di ka man lang makapasok, isang parke na puno ng tiangge at pinamamahayan ng PBB (Pinoy Big Bernard), isang taniman ng mga hinog at di gaanong hinog na presas (opo, presas raw po ang tagalog ng strawberry, pero pwede na rin yung istroberi), isang daan na may pagka-lantad ang mga snatcher, isang mall na may masusungit na bantay (di nga lang kayang tapatan ang katarayan ng isa nating katoto), isang kainang hanep sa serbisyo (matagal pa ang iginugol sa paghintay sa bayarin kaysa oras ng pagkain)... Di ko pa rin maihulma ang lubos na galak na aking nadama nang ako'y muling malayo sa kabalbalan ng opisina at malublob sa alindog ng isang lugar na malayo sa Maynila...


Nang saluhin ni Boinks ang ipot ni Jas na presas at iba pang larawan sa taniman ng presas...



Ang mga subuan at paglilibot sa mga liwasan...



Isang hapunang inabot ng ilang oras....



Mga kuha kasama ang ilan...



Mga kuha kasama ang madla...



Mga kagandahan...

~
Post a Comment
<< Home

11:52 PM :: Baba (ponggoloids)