Events - Near Deaf Experience ~v 02.06.06~
Tuesday, February 07, 2006
Napagkasunduang manood ng gig ng Paramita at UpDharmaDown sa MAG:NET sa may Katipunan. Ang prumutor? Si Joriboy loverboy... Ang mga alipores? Si Rage, Jode, Wee, She, Pong... Sumabit si Analyn hanggang Philcoa...Naghapunan ang mga haliparot sa Chocolate Kiss sa UP Diliman... Ang Pesto ay malangis... Ang Kahlua ay ubod ng tamis... Ang Kiss Club ay masarap...
Nakarating sa Katipunan... Naunahan ang mga banda...
Natapos ang Paramita, nagpakuha ng larawan kasama ang kaaya-ayang si Ria...
Naroon si Bernard Palanca kasama si Meryl Soriano at ilan sa kanilang mga kaibigan... Nagpakuha ng larawan ang mga dalaginding kasama ang matipunong si papa BJ...
Natapos ang UpDharmaDown, nagpakuhang muli ng larawan kasama ang ilan sa mga kasapi ng banda...
Naghanda nang umuwi ngunit nagpalaboy muna sa labas...


