Sabon - Blue Moon
Sunday, January 01, 2006
Katatapos ko lang panoorin ang Blue Moon na pinagbibidahan nina Eddie Garcia, Christopher de Leon, Dennis Trillo, Boots Anson-Roa, Mark Herras, Jennylyn Mercado, Pauleen Luna, at Polo Ravales. Heto ang ilang mga walang prenong patutsada tungkol sa naturang pelikula...~ Ang bano ng war scene! Pramis! Maganda pa yung video game na Top Gun sa family computer noong kabataan ko...
~ Ang husay ni Manoy... Ibang klase gumanap... Mabibilang na nga lang ang mga pelikulang ginagawa nya, di pa rin pumapalya...
~ Bakit naman hinayaan ng direktor na makitang basa ang bahagi ng damit sa gawing kili-kili ni Tin Arnaldo? Ano ba naman yan Direk Joel... Mukhang sumasablay ka na ha... O inggit ka lang sa kagandahan ni Tin kaya ninais mong pasablayin ang dating niya sa mga manonood?
~ Continuity... Nang inaalalayan ni Kyle si Lolo Manuel papasok ng kotse, isang kulay asul na kotse ang matatanaw na papalapit. Nag-iba lang ng kaunti ang anggulo ng pagkuha sa eksena ay naging tricycle na ang asul na kotse... Siguro nama'y walang magician doon sa eksenang iyon...
~ Ang lakas mo Rod! Akalain mong napaandar mo ang kotse sa pamamagitan ng pagtulak mag-isa dito sa isang pataas na kalsada habang nakasakay ang iyong ama at anak... Baka naman ikaw si Jean Valjean sa past life mo...
~ Ang husay ng pagkakahulog ng larawan... Akalain mong saktong maipit ito sa siwang ng kahoy na sahig at manatili roon ng mahigit apat na taon para lamang matuklasan ng isang bata...
~ Saludo ako sa'yo Rod... Kung ang lahat ng empleyado ay katulad mo, aba'y, malamang malugi ang lahat ng kumpanya dahil lahat ay magiging tigasing bisor... Hooray for blackmail!
~ Sadyang kamangha-mangha ang mga ganitong kwento... Pagbabalik-tanaw kung tawagin... Kung paanong naikwento nang ganoon ka-detalyado ni Lolo Manuel ang lahat, maging ang pagtingin at ang mga binitawang salita ni Domingo patukoy kay Azon gayong malayo-layo na ring nakadaan sina Manuel at Azon, ay hahayaan ko na lamang sa kanya... Baka naman may mata sa likod ng ulo... Hmmm...
Isang beses ko lang napanood ang trailer ng pelikulang ito... Mabilis pa sa alas-singko nang magpasya akong panoorin ito... Hay... gaya nga ng sabi ni Lola Dolores sa pelikula, ako'y isang "romantic hopeless"... Wehehe... Opo, hopeless romantic ako... Totally hopeless... Lech!
Mga binitawang linya sa pelikula...
~ "Bakit ganoon, kung ano yung gusto mo maabot, yun ang napapalayo sa iyo?"
~ "Kung sino pa yung malapit sa'yo, kung sino pa yung totoong nagmamahal sa'yo, siya pa yung napakadaling i-take for granted."
Totoo... Napakadali nga... Ang masaklap pa niyan, kahit alam mo kung anong dapat gawin, di mo pa rin makuhang gawin dahil mahina ka...
~
Post a Comment
11:33 PM :: Baba (ponggoloids)
Gusto ko din panoorin yung pelikula hindi dahil sa mga gumanap o sa mga war scene.. kundi dahil sa pareho din tayong HOPELESS ROMANTIC...gusto ko ang konsepto ng patuloy na paghahanap sa taong matagal mong hindi nakikita pero najan lang sa tabi mo...
Mga hinuha ni noong 1/03/2006 10:38 AMlet's drink to that! cheers parekoy! pag-akyat natin ng baguio, sagot ko ang beer at tequila mo... damayan mo lang ako at pakinggan ang walang katapusang panghihinayang sa malaking katangahang ginawa ko...
eh bakit nga ba di ko sya hinanap? anjan lang eh, kailangan pa bang hanapin? kung sino pa yung malapit... sya pa nga talaga yung napapalayo sa akin...
balang araw, isasayaw ko siya...
Post a Comment
<< Home
11:33 PM :: Baba (ponggoloids)




