Ramblings - Kapaguran
Saturday, January 21, 2006
Ang tagal ko ring hindi nabalikan itong blog. Halos isang dosenang araw ring tigang sa balita, haka-haka, kuro-kuro, at kung anong chismis ang mga masusugid kong mambabasa. Sa mga nakikita ko araw-araw sa opisina, alam niyo na malamang kung anong nangyari. Sa mga hindi nakaaalam, ayun, madami lang naman akong ginagawa.Sa mga nabalingan ko ng anumang init ng ulo... Ano ba... Sorry? Wala lang talaga ako sa mood nung mga panahong iyon...
Sa mga nag-akalang galit ako... Di po talaga ako galit... Mana lang kay kumareng Jody... War-freak...
Sa mga naabala ko sa paghingi ko ng pagkain at sa pag-aksaya ng oras sa pakikipagkwentuhan... Pasensya na po... Kailangan ko lang mamahinga mula sa mga ginagawa kong kalokohan dito sa opisina...
Sa mga kapwa kong ngarag sa sinalihang pagsasanay... Mapa-ISAO man o Java yan (pwede ring Java man o ISAO yan)... Konting tiis na lang... Gaya ng sabi sa isang awitin... There's a rainbow always after the rain... Lech! Ang tagal naman matapos ng rain na yan...
Sa guro na naatasang magturo ng Java sa amin... Patawarin ka po nawa ng aking mga kamag-aral... Hindi mo po alam ang iyong ginagawa...
Sa mga pinagkautangan ko ng lakad... Mapa-bowling, badminton, kainan, kwentuhan sa kapehan, tambay sa sinehan... Patawarin niyo po ako... Tambak lang talaga ang mga ginagawa... At, opo, hindi ko rin alam ang aking ginagawa...
Sa mga dumamay nung mga panahong ako'y tuliro... Wandering aimlessly sa 4th floor... Salamat...
~ Yung nakasama kong maghugas nung mga panahong walang tissue, nawa'y wag mong gagawing sabon lang ang panghugas... Malagkit yan... Konting tulog na lang, tatanda ka na... Dagdagan mo pa yung tulog, magkikita na naman kayo... Malamig dun... Walang humpay na pagmamahalan na naman yan...
~ Yung batang walang patid ang ngiti sa tuwing lolokohin sa isang boylet na thing-of-the-past na... Salamat at pinakilala mo sa'kin ang iyong napakabuting mommy... At least di na ko bulag sa katotohanan ng kalokohang bumabalot sa insurance... Grow up naman... May boylaloo ka na... May girlaloo na siya... Hanggang ngayon ba kayo pa rin? Bizarre!!!
~ Yung masugid na tagasubaybay ni bossing... Pwede bang simulan mo na ang paggawa sa listahan ng mga kakantahin ni Do The Funk Boy? Tigilan mo na ang pag-iisip sa nakaraan... Iwagayway mo ang bandila ng Gabriela... Masaya nang minsa'y nagkaroon ka ng jeepney ride to remember... Pwede ba, wag kang pakipot?! Isa pa... Isa pa... Isa pang jeepney ride...
~ Yung kapwa kong windang sa trabaho nung nakaraan na di malaman kung anong gagawin sa mga pagkakamaling dulot ng titik M at kung ano pang ka-weird-ohan... Nawa'y ipagpatuloy mo ang pagiging hyper... Ingat ka dun sa stalker mo sa tagboard...
~ Yung sana'y kasama kong gagawa sa case study ng Java ngunit nalipat na sa kabila... Pwede mong sundin yung payo ko kay Jeepney Girl... Ituloy mo lang ang laban... Java lang yan... Girl power lang kailangan nyan... At konting inspiration... Pero syempre, kailangan rin ng perspiration noh? Kaya... Magsumikap ka...
~ Yung kantatero sa taas... Salamat sa paulit-ulit na pagsalo... Nakakapagod talaga yan... Sana mabawi mo na ang lakas mo... Baka ma-miss ka nila lalo, pati sa'yo magtampo na... Mag-aral ka na ng poker...
~ Yung loverboy dito sa baba... Salamat sa paulit-ulit na paanyaya para kami'y malibang... Sana naman, sa susunod, maabutan ko ang mga kwento mo... Yung poker challenge nga pala, sino sponsor nun?
~ Yung tampupoy dyan lately... Wag ka na magtampururot ha... Magulo nga siguro akong kausap, pero, naman... Di ka pa ba sanay? Hehe... Salamat sa lahat... Sa lahat-lahat... Sobra...
Sa susunod, wag kasi pagsasabayin ang pag-aaral at pagtratrabaho!
~
Post a Comment
10:35 PM :: Baba (ponggoloids)
sa likod daw ng ulap ... may ibon!
wehehehe... Mabuhay ka! malalagpasan mo din yan.. ;) Parang si PACMAN, hanggang 10 rounds para exciting!
Ipapatangal ko na ang tagboard ko! wehehe.. temp unavailable na un. pag di pa tumigil.. wehehe..
hahaha, acceptance speech ito sa oscars! hehehehe. :D joke lang.
oi pong labas tayo nekswik ha! isama ang mga dapat isama. :D
zar! can't make it this weekend... galera teambuilding eh... can't make it as well sa Feb 4... poker night... next saturday na free would be Feb 11... haha... i know... i'm in demand... :-)
Mga hinuha ni Baba (ponggoloids) noong 1/24/2006 8:40 PMachus anubayan! nako, magtext ka na lang kung kelan ka pwede. haha.
uchige, tentative natin ng feb11 ha. hehehe. :p
Post a Comment
<< Home
10:35 PM :: Baba (ponggoloids)




