<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Quickie - Hobby

Wednesday, January 04, 2006
Girlash: Hobby mo bang magpaiyak ng babae? Hindi na nakakatuwa...


Bakit ganun... Kailan pa ba naging hobby ang pagpapaiyak ng babae? Kahit anong paliwanag mo sa tunay mong saloobin, parang napakahirap para sa kanila na maunawaan. Kadalasan nga siguro'y pagkakamali ng lalaki... Pero kapag ang babae naman ang nasa mali, kapag sumagot ang lalaki, sa kalauna'y kasalanan pa rin ng lalaki... Kung piliin naman ni lalaking lumayo para di na makasakit lalo, nagiging hobby naman niyang magpaiyak ng babae kuno... Saan ka lulugar lalaki? Kung saan idikta ni babae... Oo, sundin ang layaw ni babae...
~

    "Pero kapag ang babae naman ang nasa mali, kapag sumagot ang lalaki, sa kalauna'y kasalanan pa rin ng lalaki... "

    hehehehe...saktong sakto parekoy...basta pag ganyan...lagi talo...hehehe...tanggap nalang yan =)

    Mga hinuha ni Anonymous Anonymous noong 1/05/2006 9:19 PM  





    napagtanto ko lang... dumadating ba ang pagkakataon na nasa mali ang babae? hehe... talo na naman! tsktsk...

    Mga hinuha ni Blogger Baba (ponggoloids) noong 1/06/2006 1:30 AM  





Post a Comment
<< Home

2:52 AM :: Baba (ponggoloids)