<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Ramblings - Cutover

Monday, December 12, 2005
Sa larangang aking kasalukuyang pinagkaka-abalahan, may isang pamamaraang kung tawagin ay CUTOVER... Sa higit na malalim, ito ay ang Project Implementation sa kung tawagin ay Software Development Life Cycle... Ito na yata ang pinakamagulong pamamaraan na aking natuklasan sa tanang buhay ko... Ang cutover kasi ay kapwa inaabangan nang buong lugod at buong pagkamuhi...


Lugod dahil sa wakas, ang mga kalokohang pinaggagagawa mo sa opisina ay magagamit na rin ng madlang people of the whole wide world... O di ba? Panibagong proyekto naman ang pag-aaksayahan mo ng iyong childhood...


Pagkamuhi dahil, hay naku, kay raming problemang maaring lumabas... Gaya na lamang ngayon... Nandito pa rin ako... Hindi pa rin tapos... Sino bang damuho ang nagsabing sa gabi na lamang mag-cutover... 1800 HKT nagsimula, akalain mong uumagahin pa ako dito... Kasalanan ko bang pumalpak ang IES2 Migration Tool na siyang pinapatakbo ng mga disipolo ni timang sa HK? Bakit ako ang kailangang magdusa?! At pag natapos ko naman ito, anong mahihita ko? Kung bakit ba kasi hindi na lang bigyan ng laptop ang lahat para pwedeng sa bahay na lang magtrabaho... Ang kakupalan talaga...


Hoy HKCTR! Ayusin niyo nga ang trabaho nyo!
~

    This is HKCTR, how dare you say we are not doing our work. If you want a laptop, you should ask your boss to give you one. Posting in your blogsite will not do you any good.

    Mga hinuha ni Anonymous Anonymous noong 12/12/2005 2:14 PM  





    astig si HKCTR... nakakaintindi ng tagalog... ay, hindi pala... i never really said that you "are not doing your work"... all i said was "ayusin niyo nga ang trabaho nyo!"... mukhang palpak translator ha... tsktsk... ang pikon ay laging talo... :-P

    Mga hinuha ni Blogger Baba (ponggoloids) noong 12/13/2005 1:36 AM  





    what do you mean "di maka intidi"? Pinay napangasawa ni HKCTR. tsk tsk tsk. Is that what you do to your own country-women?

    Mga hinuha ni Anonymous Anonymous noong 12/15/2005 2:22 PM  





Post a Comment
<< Home

1:54 AM :: Baba (ponggoloids)