<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Thought Snacks - Questions of Faith

Wednesday, November 30, 2005
1. Kapag pumatay ka ba habang nasa giyera kalaban ang mga terorista at bigla kang namatay, pupunta ka bang langit? Akala ko ba "Thou shall not kill..."? Na-justify ba ang Holy War at ang Crusades?


2. Sa misa, bakit kailangang mag-bigay ng pera para lang ipagdasal ang pumanaw mong kamag-anak (lalo na kapag panahon ng Undas o di kaya'y kapag Mission Sunday) samantalang kasama naman sa ipinagdarasal ang "all souls in purgatory", o di kaya'y "in the silence of our hearts, let us pray for our personal intentions"? Bakit kailangan pang magpalimbag ng mga ipinagdarasal kapalit ang anumang halaga, hindi ba't pareho lang namang pagdarasal ang gagawin ninyo?
~
Post a Comment
<< Home

2:57 PM :: Baba (ponggoloids)