Ramblings - Diet
Saturday, November 19, 2005
Kanina ay napasakay ako ng LRT papuntang EDSA nang di sinasadyang may makasabay akong dalawang barakong nasa 40's ang edad. Di ko ninais na makinig sa kanilang usapan ngunit sadyang may kalakasan, at halong kayabangan, ang kanilang tinig...Barako 1: Kung gusto mong magpapayat, agahan, tanghalian, at hapunan, Skyflakes lang ang kainin mo... Wag kang kaka*to*...
Barako 2: Kuma*to* ka! Siguradong papayat ka sa pagod...
Barako 1: Hindi... Pag kuma*to* ka, mapapagod ka... Tapos magugutom ka... Mapaparami ang kain mo ng Skyflakes... Masisira ang diet mo... Kaya wag kang kaka*to*...
Sa kasamaang-palad, ako'y naligaw sa katatawanang naglalaro sa aking isipan nang mga panahong iyon kaya't di ko na narinig pa ang anumang napag-usapan nila matapos ang munting balagtasang nailimbag sa taas. Sadyang nakakatuwa ang ilang mga tao lalo na't kung maririnig mo ang lalim ng kanilang pag-iisip... At bago niyo pa man ako husgahan, oo, sang-ayon ako sa unang barako... Ang husay ng logic! Bow ako...
Ngunit sang-ayon rin ako sa ikalawang barako at gaya ng natutunan ko sa mga malalalim na makamundong talastasan sa tuwing hapunan ng EUT, o di kaya'y almusal ng NAT, o sa tanghaalian ng APT (sige na, kung saan man ako sumabay, may napupulot talaga ako), ang pakikipagniig pa rin ang pinakamainam na ehersisyo: napagod at nagpawis ka nga, na-enjoy mo naman... Kaya wag na kayo mag-gym... Skyflakes lang at ka*to*, basta don't give in to the temptation to eat more Skyflakes after, ay mahusay nang fitness regimen...
Oo nga pala, malamang ang tinutukoy ng unang barako na Recommended Dietary Allowance ng Skyflakes ay yung isang pack (3 crackers) lang sa bawat meal. Mantakin mo na lamang kung isang lata sa agahan, isa sa tanghalian, at isa sa hapunan... Aba'y hindi pagpapapayat ang hinahabol mo niyan... Baka sa susunod na magbago ka ng status sa friendster ay hindi na akma ang "single" sa iyo... Subukan mo ang "double" (salamat kay Mimi para sa napakagandang pun)...
Sa mga nagtatanong, ang Skyflakes ay yung crackers na may 54 na butas... Kung hindi 54 ang butas niyang cracker mo, hindi yan Skyflakes (salamat kay Loren para sa pagpapakapagod sa pagbilang ng naturang mga butas)... Mga kapatid, tangkilikin ang sariling atin... Buy orig... 'Wag kayong bibili ng Cowhead (masarap talaga siya, pero mahal, kaya manghingi na lang kayo kina Estee at CK)...
At kung dalawin kayo ng matinding gutom, 'wag kayong mangamba... Sa huling pagkakaalala ko, apat ang laman ng isang pack ng Blue Skies... At hindi lang iyon... They come in different flavors pa! Mayroong original, cheese, at yung may batik-batik na berde (nalimutan ko ang tawag) na siguradong makatutulong sa pagsugpo ng inyong gutom... Bagama't ang Blue Skies ay pirated Skyflakes, sariling atin pa rin ito... Kaya't 'wag na kayong magpanggap... Alam kong mahilig kayo sa pirated... :-)
~
Post a Comment
7:32 PM :: Baba (ponggoloids)
First of all, I don't think magiging double ka. Dahil nga nag gygym ka na. Basta pag nagka "mussels" ka, make sure na friends mo pa rin kami.
2. Yun batik batik na Blue Skies, Spring Onion Flavor yun.
3. Isang effective diet ang pag titipid, try mo. Walang Starbucks, walang coffee, walang bote bote ng Chocolate. Hehehehe :D
Post a Comment
<< Home
7:32 PM :: Baba (ponggoloids)



