Tribute - Mimic
Saturday, October 22, 2005
Kung paanong namana ang "Ah, talaga?" pati na ang "parekoy" kay Jegs...Siya namang napulot ang "Sheesh!" kay MM... (lasalista... hmm... :-P)
Nang matutunang umawit ng may kalakasan mula kina Chris at Petitt...
Siya ring pagkahumaling sa pananalita gamit ang Ingles gaya nina Estee at Peggy... (mga lasalista talaga... :-P)
Sa bawat mukhang pilit ipinakita sa pagpapatawang tulad ng kay Diane...
Siya namang pagkatutong mag-"beh!" sabay labas ng dila mula kay Annette...
Mga pinaggayahang di malaman kung paanong nakahawa...
Mga panggagayang di rin masabi kung hanggang kailan dadalhin...


