<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Thought Snacks - Ang Panliligaw

Wednesday, October 05, 2005
Bakit nga ba nanliligaw ang lalaki? Hindi ba't ito'y isang paraan nang sa gayo'y magkatuluyan sila ng kaniyang iniibig? Ang panliligaw, kung gayon, ay isang pamamaraan kung saa'y kapwa mulat si lalaki at babae sa wakas na kanilang maaaring kahantungan. Ngunit sa simula'y di pa buo ang konsepto ng pag-ibig.


Maaaring natipuhan ni lalaki si babae at nais ngang makilala pa ito ng husto. Pipiliin niyang manligaw dahil siya'y mulat sa wakas na nais niyang kalagyan. At si babae? Mahirap... Dahil iba't iba ang pamamaraan ni lalaki. May ibang nagpapaalam muna - "Pwede bang manligaw?" Kung iyong titigna'y namimingwit na agad ang nabanggit na lalaki. Kapag pumayag si babae, nangangahulugang nais niya ring makilala si lalaki. Bingo! At kung hindi naman? Hala, humayo ka lalaki at maghanap ng iba (isipin mo na lang, meron pa!). May iba rin namang hindi nagpapaalam. Bakit? Ang pangunahing kadahilanan ay upang magkaroon siya ng kabalbalang isusumbat sa oras na siya'y tanggihan ni babae - "Bakit, di naman kita niligawan ha!" Lokohin niyo ang lelang niyong panot! Ang panliligaw ay isang paraan upang magkakilanlan ang isang lalaki at babae at upang mahuli ni lalaki ang loob ni babae. Ngayon, kung may pamamaalam man o wala, kung naroon ang pagnanais na maisakatuparan ang mga nabanggit na layunin, may panliligaw na naganap. Sige na nga, isasalba ko ang mga mahihinhing kalahi ni Adan. May mga ibang hindi nagpapaalam dahil sa simpleng kadahilanang akin ring pinaniniwalaan - mas masarap ang pakiramdam ng nangangapa sa dilim. Bakit? Dahil gagawin mo ang lahat upang piliting makakita - sa kawalan ng iyong paningin, gagamitin mo ang iba mo pang pandama matupad lamang ang iyong layunin. Iyon ang tunay na halaga ng panliligaw - ang gawin ni lalaki ang lahat ng kanyang makakaya nang siya'y matutuhan ring ibigin ni babae. Kung sa simula pa lang ay alam na ni lalaking gusto rin siya ni babae, hindi ba't madali na lang ang lahat? Mawawala na ang pagpupursiging kaakibat sana sa isang panliligaw.


Nasasaiyo kung paniniwalaan mo ang anumang naisulat sa itaas. Ngunit, sa susunod na manliligaw ka, subukan mong huwag magpaalam. Sa gayong paraan, hindi lamang ang nililigawan ang iyong makikilala, kundi pati ang iyong tunay na kakayahan. Sa susunod na may manliligaw sa iyo, huwag kang sumang-ayon o tumanggi sa oras na sila'y humingi ng pahintulot. Sa gayong paraan, makikita mo kung hanggang saan ka kayang dalhin ng iyong manliligaw.
~

    hmmmm... may natutunan ako d2 ah...

    Mga hinuha ni Anonymous Anonymous noong 10/05/2005 11:46 PM  





    Napakalalim mo POnG! Kailangan ko muna makahanap ng manliligaw para ma try yan.. hehehe.. o applicable din ba yan kung other way around... hihihi :D

    Mga hinuha ni Blogger Cookie noong 10/07/2005 9:35 PM  





Post a Comment
<< Home

11:18 PM :: Baba (ponggoloids)