Ramblings - So Much For My Happy Ending
Monday, October 24, 2005
Matuloy nga ang kwento... Umuwi ako ng 10:45 ng gabi... Pagkadating ay nagtext lang ako saglit at natulog na...Nagising ako ng mga 9:00 kaninang umaga... Masaya... Dahil balak mang-asar ng mga taong laging huli sa pagpasok sa opisina... Buti naman at hindi sila nahuli ngayong araw na ito... May pag-asa pang maka-isang linggong on-time... Magpapa-novena ako pag nagkagayon...
Nagising talaga ako dahil napanaginipan ko ang aking mader... Pinapagalitan ang lolo niyo... At dahil ayoko nang pahabain pa ang malungkot na panaginip, ako'y bumangon na... Nakipagtalo saglit kay pader tungkol sa kinabukasan ng sambayanang pilipino kapag siya ang naupong first gentleman... Eligible na daw kasi siya... Loko talaga, palibhasa'y byudo ang buddha... Kung sana'y ipapatay na nga ang kasalukuyang asawa ng pangulo nang makaupo na si oh my papa at nang dumami na ang salapi... Para naman makatigil na ko sa trabaho ko... Pero syempre, kailangan muna akong patayin ng aking ama bago niya palitan ang aking ina... Huh! Baka akala niya...
Sandali lang... Text muna... May textmate kasi akong maganda... Bakit ganito... All of a sudden I feel as though there were butterflies in my stomach... Ay, jebs lang pala... Hala... Takbo... Upo sa trono...
Success... Heto at almusal naman... Tapos na... At dahil naiwan ko yung Unbearable Lightness Of Being sa office (ayan ha, sobrang busy ko sa office... hardly working...), Napilitan akong ituloy ang pagbabasa ng Einstein's Dreams... At dahil nasa medyo boring na bahagi ako ng aklat, nakinig ako sa mga mp3 ko sa aking Nokia 6230...
Ang aking Nokia 6230... Ang aking panghalip sa iPod... 90 songs riding on my 256mb MMC... At medyo nagsasawa na nga ako sa mga awitin nina Usher (salamat Wee), Craig David (salamat Muds), PNE (salamat Rage), Lifehouse (salamat Pre), Hale (salamat Jode), Sponge Cola, MYMP, Nina, Destiny's Child, Barbie Almalbis, Bamboo, atbp... Napakagandang phone... Kahit 640x480 lang ang camera, pwede nang pagtiyagaan...
Anyway... Dahil na-bore na ako sobra, nanood ako ng The Terminal... Isang madramang pelikulang kinabibilangan nina Tom Hanks at Catherine Zeta-Jones... Ok lang naman yung movie... Mas maganda pa rin yung love story ng buhay ko... (Syempre... Ako bida eh!)
Matapos ang panonood ng DVD, akalain niyong naabutan ko pa ang masaya at magulong Bulagaan... Nakita ko na naman si Pauline na unti-unti nang lumalapad, malapit nang mabiyak ang elastic limit at maging sing-lapad ni Ruby Rodriguez... Buti na lang at kaarawan pala ni Pia Guanio, nabaling tuloy ang aking pagtingin sa iba... Ngunit nagsawa na rin ako... Kung minsa'y naiisip kong hindi dapat inaaraw-araw ang Bulagaan... Para hanap-hanapin ko naman... Pag inaraw-araw kasi, nakakasawa... Yung Bulagaan lang naman... Yung kilitian at kung ano pa man, masayang araw-arawin yan...
Hala, ako'y nagbabasa na ulit... Maganda naman kasi itong Einstein's Dreams... Mga samu't saring hinuha ukol sa oras... At sa wakas... Natapos ko rin siya... Ngunit ano ito... 2:30 pa lang ng hapon... It's really fascinating how time strolled ever so slowly while I was reading about it... Kaya heto... Kung pwede ko lang pabilisin ang oras nang matupad ang aking pinapangarap na magtagal ng 24 hours sa bahay... Grabe! Hindi ako tatagal sa bahay ni kuya... Di nga ko makatagal sa bahay namin ng isang araw eh, yun pa kayang 100 days... Sige na nga... Next time, try ko talaga mag-stay sa bahay a little longer... Mga 25 hours...
Heto na't iniisip kung paano nga bang isusulat sa blog ang mga pinagkaabalahan ngayong araw... Ngunit gaya ng naisulat ko nitong huli... Nagtext si Nette... Kung hindi ka lang cute, naku!!!!
Hay... Next time na lang ang aking 24 hours sa bahay... Malabo rin yata yun sa long weekend... Mukhang puro gimik pa rin...
Wala nang happy ending...


