Ramblings - Sa Wakas... Bitin!
Monday, October 24, 2005
Ang tagal ko ring hinintay nito... Sa wakas, mukhang matutupad na ang kahilingan kong magtagal sa bahay ng isang buong araw. As in 24 hours! Nagsimula ang bilang ko nung 23 Oct, 2245HKT. At kung tama ang aking estimate, mamayang a litte over 11 pm pa ko dadaanan ng service. Oo nga pala, ang oras habang sinusulat ko ito ay... 1530HKT. Oh no! May nagtext... Nagtatanong ng tungkol sa trabaho... Nette naman... Wag na, please... Mamayang gabi na lang... Papa Rico o!!!Dumating ako kagabi ng mga 10:45, pagod... Not really spent, pero tuyo't ang utak... Kung anu-ano kasing inisip... Hingal ang puso... Di kasi malaman kung dapat magtatakbo or what... Anyway... Ayan na... Production problem na... Nette talaga o... Sige, maliligo na ko... Talaga naman... Di na naman ako tumagal ng isang araw sa bahay... Tsktsk...


