Night Life Chapter One - Nang Magkamali Si Jose
Sunday, September 11, 2005
Minsang sumapit ang hatinggabi, sa kung anumang kadahilanang di mawari, nakita ko na lamang ang aking sariling naglalakad sa kalagitnaan ng kalsada... Sa tulong ng liwanag ng mapagpanggap na buwan at ng mga lampara sa magkabilang gilid ng daan, nakarating ako sa aking paroroonan... Ang kanto ng kalsada... Nagkamali si Jose, di mo kailangang lumingon sa iyong pinagmulan upang makarating sa iyong pupuntahan, kailangan mo lang igalaw ang iyong mga paa...Naisin ko mang lumipad, sadyang walang kakayahang magliwaliw sa himpapawid ang pagong... Di ko na rin naisip ang pagiging ulupong pagkat alam kong panlalandi lamang ang alam niyang gawin... Kung sa bagay, marunong din namang magliwaliw ang ating ulupong... Di nga lang sa ere, kundi sa mga madidilim na daanan at lagusan... Alam niyo bang kung minsa'y tao rin si Pong? At gaya ng ibang tao, isa siyang malanding taga-lupa... Sa kanyang kahungkagan, at dala na rin marahil ng kawalan ng pakpak, sumakay siya ng taxi... Makaraan ang ilang sandali, nakarating siya sa kanyang paroroonan... Ang dating tambayan ng mga skater boys... Nagkamali si Jose, di mo kailangang lumingon sa iyong pinagmulan upang makarating sa iyong pupuntahan, kailangan mo lang sumakay sa isang sasakyan at magpahatid sa napili mong kutsero...
Sadyang kamangha-mangha ang teknolohiya... Sino nga bang makakapag-isip na ilagay ang mga tao sa isang kahon at hilahin ito pataas-baba nang makarating siya sa iba't ibang baitang ng isang gusali... Kakaiba nga naman mag-isip ang tao... Lapatan mo nga naman ng salamin ang apat na dingding ng kahong ito... Sadyang kay lalandi ng mga tao... Matapos akong maghintay ng 1 femtosecond, nakarating ako sa aking paroroonan... Ang ikaapat na baitang... Nagkamali si Jose, di mo kailangang lumingon sa iyong pinagmulan upang makarating sa iyong pupuntahan, kailangan mo lang makulong sa isang elevator ng ilang saglit...
~
Post a Comment
2:18 AM :: Baba (ponggoloids)
oo nga no? bakit kaya may salamin sa apat na sides ng elevator? pero isa ako sa mga tagahanga nito...:P naiisipan na kaya nilang lagyan ng salamin ang sahig ng elevator :D
Mga hinuha ni noong 9/27/2005 10:09 AM
Post a Comment
<< Home
2:18 AM :: Baba (ponggoloids)



