<$BlogRSDUrl$>
Ang Mga Pakulo Ni Pong

Sa mga nag-aakalang patuloy na makukuntento si Pong bilang isang pagong... sige lang... ipagpatuloy niyo ang pag-aakala... Sa mga nag-aakalang si Pong ay may kakayahang maging isang ulupong... sige lang... ipagpatuloy niyo rin ang pag-aakala... Sa mga nakakikilala kay Pong... isa nga ba siyang pagong o isang ulupong? Ang matitiyak niyo lamang ay ito... mahilig siya sa kangkong...

Huwag Kang Mangamba...

Saturday, September 10, 2005
Sa tuwing maiisip kong sumulat ng isang nobela na siyang magsisilbing testamento ng mga kalokohang aking pinag-aaksayahan ng panahon... ako'y napapahinto.... tila isang pagong na napagod sa kanyang paglalakbay na tiyak kong hindi naman kalayuan ang narating...



At kung mawari kong ibuhos sa isang nobela ang lahat ng aking saloobin ukol sa buhay at ang mga kalokohang bumabalot dito... ako'y napapabalikwas... tila isang ulupong na walang patid sa panlalandi sa bawat butil ng lupa na kanyang nadadaanan...



Sadyang ganyan ang buhay ni Pong... isang trahedya ng pagkakaipit sa di mapagkasunduang gawin...



Huwag kang mangamba... sa simula lang naman malalim... sa kalauna'y higit na malalim na yan...



Kalokohan...
~

    nabibighani ako sa tagalog mo, pongers. kasi alam ko ring hindi ko 'to kayang gawin, ang sumulat sa tagalog.

    Mga hinuha ni Blogger Svelte Rogue noong 9/23/2005 3:37 PM  





Post a Comment
<< Home

5:35 AM :: Baba (ponggoloids)